Biyernes, Setyembre 25, 2015

Konsepto ng Adbokasiya


WIKANG PANG-TELEBISYON:  ALAMIN AT UNAWAIN TUNGO SA MABISANG PAKIKIPAGUGNAYAN

___________________________________________________________________

PAPANIMULA/KALIGIRAN
_________________________________________________________________________
  Ayon kay Frauline Tadle (2012), sa pagdaan ng mga taon ay kapansin-pansin na tila ba ay araw-araw at tuloy-tuloy ang pag-unlad ng teknolohiya. Bilang bahagi ng lumalago at lumalawak na industriya, kaliwa't kanan ang paglabas ng mga produkto tulad ng mga cellphone mula sa Samsung at laptop mula sa Apple. Sa kasalukuyan, ito na ang mga kagamitang unti-unting pumapalit sa tradisyunal na mga kompyuter na may keyboard, monitor, CPU at mouse. Sa kabila ng lahat ng pagbabagong ito, hindi pa rin nito tuluyang mapapalitan ang telebisyon bilang isang pangunahing paraan ng telekomunikasyon.
Ayon sa Limited Effects Theory (1940-1950), ang mga tao ang pumipili ng kanilang mga tatangkiliking palabas sa telebisyon. Napili ang tao ng kanyang mga gustong panoorin batay sa kanilang mga paniniwala, opinion at lalo’t higit ay batay sa kanilang kagustuhan. Sa panahon ngayon, halos lahat ng tao ay kayang magbago para lang makisabay sa mga sumisikat na bagay na kung tawagin sa ingles ay “trend”; at sa bagay na ito, madalas mga kabataan ang sumusunod upang hindi sila mahuli sa mga bagay na sumisikat ngayon, at kasama na dito ang paggamit ng mga salitang hindi naman nila alam ang kahulugan.
Ang telebisyon sa Pilipinas ay gumagamit ng lingua franca o pinaghahalong tagalog at ingles upang mas maintindihan ng mga manonood ang mga impormasyon at mensahe na kanilang hatid. Kung kaya’t nakakalikha din ang iba’t ibang programa sa telebisyon ng mga salitang tinatangkilik ng masa at lalong higit ng mga kabataan, sa pamamamagitan ng mga sikat na personalidad. Isang halimbawa nito ay ang mga variety shows kagaya ng Showtime at Eat Bulaga na may mga salitang pinapauso na patok na patok sa masa. Katulad na lamang ng PBB Teens, havey at puchu-puchu na pinauso ng personalidad na si Vice Ganda ng Showtime at Dabarkads naman na pinauso ng Tito, Vic and Joey ng Eat Bulaga. Dahil sa mga salitang ito ay mabilis na lumalago ang bokabularyong Filipino. Kalakip ng paglagong ito ay ang unti-unting paghina ng mga Pilipino sa pormal at tamang pag-gamit ng salita na maaaring maka-apketo sa larangan ng pakikipagtalastasan sa lipunan na maaring pagsimulan ng sigalot.
___________________________________________________________________

MUNGKAHING TITULO
_________________________________________________________________________

Wikang Pang-Telebisyon: Alamin at Unawain Tungo sa Mabisang Pakikipagungayan
Nasasaad sa mungkahing titulo na sa pamamagitan ng pag-unawa at pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wikang pang telebisyon ay matatamo ang mabisang pakikipagunayan. Ipinakita din sa panimula ng konseptong papel na ito na nakakaapekto ang kaalaman natin sa mga salitang ating ginagamit sa paraan ng ating pakikipagtalastasan at isang halimbawa nito ay ang mga salitang ating natututunan mula sa iba’t ibang variety shows sa telebisyon. Samakatuwid kung ang bawat isa ay magkakaroon ng maayos na paraan ng pakikipagtalastasan, kapayapaan at pagkakaisa ay makakamit na siyang magiging simula ng isang matatag at nagkakaisang bansa.
___________________________________________________________________

RASYUNAL
_________________________________________________________________________

    Ayon kay Frauline Tadle (2012), mayroong dalawang pangunahing channel ng telebisyon sa Pilipinas: ABS-CBN at GMA. Ang paglawak ng tema ng mga palabas sa telebisyon ay iniaayon ng mga nasabing kumpanya batay sa ninanais at tingin nila ay kailangan ng mga manunuod. Ilan dito ay News and Public Affairs, Sitcom, Reality, Drama Series, Foreign, Talk at Variety Shows. Dahil ang mga ito ay pawang tugon ng mga istasyon sa hiling ng kanilang mga viewers, ang pagiging malapit nito sa madla ay tila ba isang epekto nito. Hindi kataka-takang nagawa nitong maipluwensiyahan ang paraan ng pamumuhay ng masa, lalo na ang wika. Mababakas ito sa pang-araw-araw nating pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Ang mga salita, parirala o kataga na ito na pinasikat ng mga personalidad sa telebisyon ay naging bahagi na ng ating verbal na komunikasyon sa kabila ng kakulangan natin ng kaalaman hinggil sa etimolohiya ng mga ito. Isang kongkretong patunay dito ang mga variety shows katulad ng Eat Bulaga ng GMA at Showtime ng ABS-CBN. Ang layunin lamang ng mga variety shows na ito ay bigyang aliw ang mga tao habang kumakain ng tanghalian subalit kasabay ng modernisasyon ay may mga salitang nauuso sa mga variety show na mabilis namang nakakaimpluwensya sa bokabularyo ng mga tao lalo na sa mga kabataan. Dahil sa mga pinapauso ng variety shows na ito, napaghahalo ang mga salitang Ingles at Filipino, na nagiging dahilan upang magkaroon ng mga panibagong salita. Isang halimbawa nito ay ang salitang “nahook” na ang ibig sabihin ay nahumaling. Isa pa ay pinapa-ikli nito ang mga mahahabang salitang Filipino, katulad na lamang ng salitang “Ansaveh” na nagmula sa pariralang “Anong masasabi mo doon?” Ilan lamang yan sa mga pinausong salita ng mga variety show. Kung ating mapapansin ay maaring ang iba ay alam ang ibig sabihin ng mga salitang ito subalit may iba din naman na hindi nakakaalam kung kaya’t kapag ang kausap mo ay hindi alam ang mga salitang ito o di kaya ay mali ang pagkakagamit mo ng salita ay maaaring magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ninyong dalawa na maaaring pagsimulan ng kaguluhan.  Kung kaya’t ito ang nais bigyang pansin ng konseptong papel na ito sapagkat ang isyung ito ay laganap sa ating lipunan at lalong higit sa kabataan. Ang isyung ito ay mahalagang pagtuunan ng pansin, sapagkat kapag nagpatuloy ang isyung ito ay maaaring magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang bawat isa dahil madaming tao ang gumagamit ng mga salitang galing sa telebisyon kahit hindi naman alam ang kahulugan nito, sa madaling salita ay nakikiuso lamang. Kung kaya’t dapat na itong wakasan upang hindi na lalong lumala at maka apekto sa susunod na henerasyon.
___________________________________________________________________

 MITHIIN
_________________________________________________________________________
        Isa sa mga mithiin ng konseptong papel na ito ay imulat ang masa at lalong higit ang mga kabataan sa tamang pag gamit ng mga salitang kanilang natututunan mula sa mga variety show sa telebisyon, sapagkat maaring ito ang maging susi para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan ng bawat isa. Hangad din ng konseptong papel na ito na mabigyan ng kaalaman ang bawat isa sa mga kahulugan ng mga salitang kanilang natututunan sa telebisyon upang kanilang malaman kung angkop ba ang mga salitang kanilang ginagamit sa tuwing makikipag usap sila sa iba gamit ang mga salitang kanilang natututunan sa telebisyon.
___________________________________________________________________


LAYUNIN
_________________________________________________________________________
Pangkalahatang layunin ng konseptong papel na ito na maipakita kung papaano maaaring mapormalisa ang wika sa mass telebisyon. Samantala, ang mga tiyak na layunin naman ay ang sumusunod:
1. Tukuyin ang papel ng telebisyon sa pag-unlad ng bokabularyong Filipino at alamin ang kahalagahan ng tamang paggamit ng salita sa pamamagitan ng isang pagsisiyasat o pagtatanong sa mga estudyante.
2. Magkakaroon ng online survey tungkol sa mga salitang natututunan sa telebsiyon at alamin ang kahulugan ng mga salitang ito.
3. Bubuo isang glosaryong pang telebisyon na naglalaman din ng mga salita na nauso mula sa telebisyon at mga kahulugan nito. Ang mga salitang ilalagay sa glosaryong ito ay nakabatay sa survey na gagawin.
4. Magkakaroon ng paligsahan tungkol sa paramihan ng alam na salita mula sa telebisyon at tamang kahulugan nito.

_____________________________________________________________


DISENYO 
_________________________________________________________________________
      Ang unang proyekto ng adbokasiyang ito ay ang pagsisiyasat o pagkalap ng impormayon, kami ay magtatanong sa mga piling estudyante upang makakuha ng datos na aming kinakailangan. Ang mga katanungan ay naka pokus sa papel ng telebisyon sa pag-unlad ng bokabularyong Filipino at sa tamang paggamit ng nito. Sa pamamagitan nito ay magiging bukas ang isipan ng mga estudyante sa papel ng telebisyon sa kanilang mga bokabularyong ginagamit sa pang araw-araw. Pangalawa ay ang pag gawa ng online survey tungkol sa mga mga salitang nauusao sa telebisyon. Ito ang magiging unang hakbang namin para sa ikatlong proyekto. Ang ikatlo naming proyekto ay ang pagbuo ng isang glosaryong pang telebisyon na kung saan ito ay naglalaman ng mga salita na nauso mula sa telebisyon at nakasaad din sa glosaryong ito ang mga kahulugan ng mga salita. Ang mg salitang ilalagay ay mula sa online survey na aming gagawin at ang ikalawa ay batay sa mga pananaliksik ng proponent. Ang glosaryong ito ay makakatulong upang maiwasan ang mga pagkalito tungkol sa mga kahulugan ng mga salitang nauuso sa telebisyon at ito ay makakatulong upang magkaroon ng isang maayos na pakikipagtalastasan. Ang pang-apat na proyektong aming isasagawa ay ang pagkakaroon ng isang paligsahan tungkol sa mga salitang nauuso sa telebisyon at ang kahulugan nito. Ito ang magsisilbing ebalwasyon ng aming adbokasiya sapagkat ang mga kalahok dito ay piling estudyant lamang na aming bibigyan ng glosaryo. Kung kaya’t dito namin malalaman kung ang aming adbokasiya ay epektibo. Ang mananalo sa larong ito ay bibigyan ng premyo.

___________________________________________________________

BENEPISYO 
_________________________________________________________________________
Matapos maisakatuparan ang mga layunin, mithiin at mga proyekto ng adbokasiyang ito, inaasahan ang mga sumusunod:
• Inaasahan na mamumulat ang bawat isa at lalo na ang kabataan sa mga kahulugan ng mga salitang nauuso, mula sa mga variety shows sa telebisyon bago nila ito isama sa mga bokabularyong ginagamit nila para sa araw-araw na pakikipagtalastasan.
• Inaasahang hindi na magiging hadlang ang mga salitang natututunan sa telebisyon sa maayos na pakikipagugnayan sa iba. Sa pamamagitan nito ay makakamit ang pagkakaisa at kapayapaan sapagkat mas magkakaintindihan na ang bawat isa
• Inaasahan na sa pamamagitan ng paligsahan na lalahokan ng ilang kabataan ay malalaman natin kung ilan nga lang ba ang mga may alam ng tamang paggamit ng mga salitang nauuso mula sa telebisyon. Sa pamamagitan nito ay mapagtatanto ng iba pang kabataan na bago nila gamitin ang salitang kanilang naririnig mula sa telebisyon ay dapat munang alamin at unawain.

____________________________________________________________


23 komento:

  1. Ang panonood nga talaga sa telebisyon ay may malaking implikasyon sa bokabularyo nating mga pilipino lalo na sa aming mga kabataan. kung kaya't bago natin gamitin ang mga salitang ito ay atin muna dapat alamin ang kahulugan ng mga salitang ito upang maayos natin itong magamit sa paraan ng ating pakikipagusap sa ibang tao.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat po sa positibong komento at salamat po sa pag sang ayon ninyo sa aming adbokasiya

      Burahin
  2. Ang pagkakalahad ng datos at detalye ay pawang naaayon sa paksang napili.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ang datos at mga detalyeng amin pong ginamit ay pawang mapapansin naman natin sa kasalukuyang panahon sapagkat ang telebisyon ay may hatid na epekto sa ating pang araw araw na buhay. salamat po sa positibong komento

      Burahin
  3. ang pag pili ng paksa ay naaayon sa panahon natin ngayon sapagkat ang bawat isa ay nahuhumaling sa panonood ng iba't ibang palabas sa telebisyon kung kaya't mabilis na naiimpluwensyahan ng mga palabas na ito ang ating paraan ng pakikipagsalita. Bilang resulta ay gamit tayo ng gamit ng mga salitang ating natututunan sa telebisyon kahit hindi alam ang kahulugan. Ilan sa mga salitang ito ay ang "ansaveh?" "charot" at iba pa.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ang naging batayan po namin sa pagpili ng paksa ay ang aming napapansin sa pang araw araw nating pakikipag usap sa ibang tao. katulad na lamang sa ating mga paaralan, mayroon tayong nakakausap na ang ginagamit na salita ay mula sa telebisyon. hindi naman tayo nakaka sigurado na alam nga talaga niya yung kahulugan ng salitang kanyang ginagamit

      Burahin
  4. Wow naman, simple pero madaming matututunan.

    TumugonBurahin
  5. Mabuti nga't ginawa mo itong blog na to Edrick. Napakarami na kasi ng mga kabataan ngayon na banyaga pagdating sa ilan nating mga salita pagkat hindi parin malinaw sa kanila ang mga ibigsabihin ng mga ito.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ang blog po na ito ay kailangan namin para sa aming final project sa Filione subalit hindi namin iyon pinagbasehan sapagkat nais namin imualt ang mata ng kabataan sa kung ano ang mga nararapat. salamat po sa positibong komento

      Burahin
  6. Napakarami kong natutunan. Maraming salamat edrick sa blog na ito.

    TumugonBurahin
  7. Sa pamamagitan ng adbokasiyang ito, mas maiintindihan ng mga kabataan ngayon ang pagiging arbitrary ng wika. At kung papaano ang media ay nagiging isang medium sa pag-unlad ng ating bokabularyo sa pamamagitan ng mga gawa gawang salita ng mga kilalang personalidad katulad na lamang ni Vice Ganda.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat po sapagkat naintindihan ninyo ang gusto naming iparating sa ating mga kapwa kabataan. salamat po sa positibong komento

      Burahin
  8. Napaka-ganda at informative ng blog na ito sapagkat madami na ang mga nagsusulputang mga palabas kung kaya't dapat na pinagiisipan ang mga sasabihin sa harap ng telebisyon. Nagiging mulat din ang mga kaisipan ng mga kabataan dahil sa mga napapanood nilang mga palabas sa telebisyon.

    TumugonBurahin
  9. Napakasimple ngunit napakaganda ng blog na ito. Madami kang matutununan na mga impormasyon dito. Nakakabilib!

    TumugonBurahin
  10. Maraming salamat Edrick sa paggawa ng blogspot na ito. Dahil informative at simpleng blog na ito, madami akong natutunan

    TumugonBurahin
  11. Sa aking opinyon ay maganda naman ang layunin ng adbokasiya subalit nakukulangan ako sa proyektong nais gawin ng adbokasiya. Salamat.

    TumugonBurahin
  12. Maayos na nailahad ang mga detalye na nagmumulat sa mga kabataan o sa isang indibidwal na kinakailangan ang wasto at maayos na paggamit sa mga napapanahong salita partikular na ang mga pinauso sa media upang mas mapaunlad pa ang ating sarili at magkaroon ng pagkakaunawaan.

    TumugonBurahin
  13. Magandang araw ginoo.
    Maaari ko po bang matanong kung saan niyo po pinakuhanan(references) ng iyong pananaliksik.
    Kung hindi niyo po maitatanong ay malaki ang naitulong nito sa aking pananaliksik, kaya't maraming salamat po.

    Salamat po sa pagtugon

    TumugonBurahin
  14. Pwde po makahingi ng kaugnay ng pag aaral sa epekto ng palabas pngtelebisyon

    TumugonBurahin
  15. Magandang araw ginoo/ginang gusto q lng po malamn ang iyong pangalan dahil kailangan lng po sa aming research

    TumugonBurahin